Saturday , April 27 2024

Bohol market pinasabog ng adik (2 patay, 12 sugatan)

090314_FRONT

CEBU CITY – Dalawa ang patay habang 12 ang sugatan nang maghagis ng hand grenade ang isang amok habang ipinagdiriwang ang araw ng pagkakatatag ng bayan ng Trinidad pasado 4:30 p.m. kamakalawa sa loob ng public market sa lalawigan ng Bohol.

Ayon kay Supt. Joie Yape, Jr., tagapagsalita ng Bohol Provincial Police Office, nagdiriwang ang mga residente nang ihagis ni Dinoberto Fuentes, residente ng Purok 7, Brgy. San Vicente, ang granada na agad sumabog.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang dalawang biktimang sina Nestor Bernales at Fidela Cajes Macua, tindero ng naturang palengke.

Habang kritikal ang kondisyon ng tatlo sa 12 nasugatan sa insidente.

Mabilis na nahuli ng Trinidad Police si Fuentes na nakompiskahan ng ilang pakete ng shabu at marijuana.

Sinasabing lasing at nasa impluwensiya ng droga ang suspek nang ihagis ang granada.

ni BETH JULIAN

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *