Friday , April 26 2024

Payroll money hinoldap sa sekretarya

081314 money peso

NATANGAY ang dalang P114,000 payroll money ng isang sekretarya ng dalawang lalaking holdaper na naki-angkas sa sinasakyan niyang tricycle kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Salaysay ng biktimang si Baby Jean Magtibay, 34, company secretary, residente ng #156 P. Sevilla St., Brgy. 54, ng nasabing lungsod, dakong 3:30 p.m. sakay siya ng tricycle pauwi sa kanilang bahay nang may sumabit na dalawang lalaki pagsapit nila sa Del Mundo St.

Tinabihan siya ng mga suspek sabay tutok ng baril at inagaw ang dala niyang pouch bag na kinaroroonan ng nabanggit na halagang pag-aari ng amo niyang si Conrado Herrera.

Makaraan makuha ang pera ay agad pinababa ng mga suspek ang biktima saka pinaharurot ang tricycle sa hindi nabatid na direksiyon.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *