Saturday , April 27 2024

79-anyos magsasaka inatado’t sinunog ng kapitbahay

SAN FRANCISCO, Quezon- Nagmistulang ginayat na karne bago sinunog ang isang magsasaka sa Sitio 1, Brgy. Pagsangahan ng bayang ito kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Rosalio Gargoles, 79, balo, magsasaka, ng nasabing lugar.

Agad inaresto ang suspek na si Rene Boy Butal Gupid, 40, residente rin ng nabanggit na lugar.

Ayon kay Sr. Supt. Ronaldo Ylagan, Quezon Police Provincial director, dakong 11:00 a.m. nang makatanggap sila ng impormasyon na may bangkay na sinunog kaya agad nirespondehan.

Inamin ng suspek na hinataw muna ng kawayan ang biktima bago tinadtad ng saksak saka sinunog.

Nakakulong sa detention cell ng San Francisco Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang kasong murder na isasampa laban sa kanya.

(RAFFY SARNATE)

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *