Saturday , April 27 2024

Bistek gusto ring makasal, wala nga lang oras at panahon?

082414 bistek press media

00 fact sheet reggeeHINDI pa rin nakalilimot si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa entertainment press dahil lahat ng may kaarawan ng Enero hanggang Setyembre ay binigyan niya ng lunch blow-out kahapon sa Vera-Perez Garden kaya naman tuwang-tuwa ang lahat ng celebrators.

Isa-isang nilapitan ni Bistek ang lamesa ng celebrators para magpa-picture kasabay na rin ng pag-blow ng candles sa bawat cakes.

Sinamantala na ng lahat ang pagkakataon na matsika si Herbert tungkol sa nakaraang guesting niya sa Aquino & Abunda Tonight na humingi siya ng public apology sa ginawa niyang pananampal sa nahuling umano’y drug pusher na nakuhanan ng shabu worth P15-M.

Ayon sa Ama ng Quezon City, naging maganda rin na nag-guest siya sa nasabing programa ninaBoy Abunda at Kris Aquino para maipaliwanag nang husto ang nangyari dahil naniniwala siyang ibang market naman ang nanonood sa AA.

“I know na ‘yung market ng nanonood ng ‘AA’ is different from ‘Tunying (Tapatan ni Tunying)’ and DZMM. Kaya rin ako nag-guest doon para ipaliwanag kung bakit ko ginawa ‘yun sa drug pusher,” kuwento ni Mayor Herbert.

‘DI RAW NAILANG KAY KRIS NANG MAG-GUEST SA AA

At dahil nagso-solo that time si Kris dahil maysakit si Kuya Boy ay tinanong si Herbert kung hindi ba siya nailang na ang ex-girlfriend niya ang nagtanong?

“Wala namang problema sa aming dalawa, even if you gonna watch the entire segment, it’s purely professional,” say ni HB.

At sa sinabi ni Kris na hindi marunong manakit ng pisikal si Bistek kundi feelings lang ay napangiti ang actor/politiko, ”ano talaga ng babae ‘yan, punchline talaga, kumbaga sina Pugo at Patsy, ako si Pugo, siya si Patsy,” birong sabi ni Herbert.

Maraming nakapansing malaki na ang ipinagbago ngayon ng Queen of All Media na ayon kay Herbert ay, ”eh, baka marami siyang ginagawa, marami siyang iniisip, maraming plano, maraming lumiligaw-ligaw siguro, ‘di ba? Si Derek (Ramsay),” kaswal na sabi ng politiko.

NAGSESELOS KAY DEREK?

Nagseselos ba si Bistek dahil binanggit niya ang pangalan ni Derek?

“Eh, nababasa ko sa diyaryo, eh,” salag ni Mayor.

Sabi namin na bakit niya binanggit kung wala siyang ibig sabihin, ”wala naman ‘yun, puwede ko rin namang banggitin si James (Yap), ang daming puwedeng banggitin,” katwiran ulit ni Bistek.

Samantala, okay na raw ang friendship nila ngayon ni Kris kaya ibig sabihin ay open na ulit ang komunikasyon nila? ”Once in a while, pero hindi madalas,” say ni Mayor.

As of now ay walang lovelife si Herbert dahil ang priority niya ay ang mga anak niya at ang trabaho niya bilang Ama ng Quezon City.

“What happened (noong sila ni Kris) was an eye opener talaga for my kids, I prayed that they’ll become stronger because of that experience,” sabi pa.

At ang natutuhan din niya sa naging relasyon nila ni Kris, ”ano, eh, no matter what, maliit lang ang mundo na ginagalawan natin.

“She (Kris) belongs to a political family, I grew up in public service, magbabarkada naman kami lahat, sina Junjun (Binay), kita-kita kami, maliit lang ang mundo.

“If we go to the other side of the world, maliit din ang mundo, and our children are growing up, they could be friends; they could be co-workers in the future, wala namang problema. Wala akong masamang tinapay sa kahit kanino.

“And I think, she (Kris) also feels the same way kaya siguro naging kaibigan din niya si James and I’m looking forward na magkausap-usap din sila nina Kuya Ipe (Phillip Salvador) at saka ni Mayor Joey (Marquez) para okay.

“May nabasa nga ako na, huwag kang manatiling galit dahil ang masasaktan doon ay hindi naman ‘yung taong ikinagagalit mo, kundi ikaw lang. Life is short, eh,” pahayag ni Bistek.

WALANG BINABALIKANG NAKA-AFFAIR

Tinanong naman kung may binabalikan si Bistek sa mga ex-girlfriends niya, ”I’m committed to my kids at sa work.

“It’ll be unfair, basta alam n’yo naman ang drama ng buhay ko, eh. I maintain my friendship and my respect to the mothers of my children; I’m asking them for forgiveness if I’ve done something wrong to any one of them,” paliwanag ni HB.

At labis daw siyang humahanga sa magandang pagpapalaki ng mga ina ng mga anak niya dahil magagalang at God fearing.

Pangarap din daw niyang makasal, pero, ”time does not allow me.” say ni Bistek.

ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *