Saturday , April 27 2024

Krus sa bintana ano ibig sabihin?

00 Panaginip

Gud pm po Señor,

May nkita ako 1 krus s bintana s pnaginip ko, taz daw nagttka ako bat nandun yung krus what kya p mean. nito Señor? Wait ko ito sa hataw po, salmt s u senor, im lydia of camsur..pls dnt post my cp # na lang..

To Lydia,

Ang krus na nakita sa iyong panaginip ay maaaring may kaugnayan sa suffering, martyrdom, death, and/or sacrifice. Ito ay simbolo rin ng iyong religious faith. Maaaring ito ay nagpapahayag sa iyo na mayroon kang pasang krus na dapat pagtuunan ng pansin o kaya naman, ikaw ay umaastang “crossed” at annoyed. Dapat mong tiyakin at tanungin sa iyong sarili kung ano ang sanhi upang ikaw ay mahirapan at makaranas ng ilang mabigat na pagsubok. Ang panaginip mo ay nagpapakita rin ng pagnanasang makatagpo ng perfect happiness. Maaaring ito ay isang paraan din upang makatakas sa ilang mga suliranin o hirap na nararanasan sa buhay. Ang ganitong panaginip ay nagsisilbing isang medium din na nagiging daan upang manumbalik ang iyong faith, optimism, at hope.

Ang bintana naman sa panaginip ay maaaring may kaugnayan sa bright hopes, vast possibilities and insight. Maaaring may kaugnayan din ito sa outlook sa buhay, pati na ang ukol sa intuition and awareness. Posibleng hinggil din ang ganitong bungang-tulog sa hinahanap na mahalagang desisyon o soul searching. Tandaan lang na sa iyong pagdedesisyon, dapat kang maging maingat at dapat bigyang halaga ang mga bagay na may bigat sa iyo at importante sa puso mo. Subalit, dapat ding gumamit ng utak upang mas maging balanse ang pagpapasya.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *