Friday , April 26 2024

Binoe at Mariel, sure na sure na sa Talentadong Pinoy

00 fact sheet reggeeKOMPIRMADONG sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na ang hosts ng Talentadong PInoy na magsisimula na sa susunod na buwan.

Kahapon (Biyernes) ginanap ang pictorial ng mag-asawang Binoe at Mariel para sa promo ng TP at magsisimula silang mag-taping sa Agosto 7, base na rin sa kuwento ng taga-TV5.

Kaya kaagad naming tinawagan si Mariel tungkol dito at hindi naman niya itinanggi ang nalaman naming tsika.

“Oo, may pictorial na kami at sa August 7 (Huwebes) na ang first taping namin, actually hindi ko pa alam kung ano, basta sabi may taping na,”sabi ng misis ni Robin.

Noong una raw ay hindi alam ni Mariel na kasama siya sa Talentadong Pinoy dahil ang pagkakaalam niya ay si Robin lang ang kausap ni TV5 Chairman Manny V. Pangilinan at nagulat na lang siya na kasama pala siya.

“I have no idea, Reggs, kasi all I know was Robin lang, eh, hindi ko naman alam na kasama ako, so parang husband and wife ang concept na wala pa naman daw ganoon sa TV kaya TV5 ang magsisimula ng ganoon.

“So, thankful ako kasi balik-TV na ako, siyempre mayroon na naman akong kabuhayan showcase, ha, ha, ha so I can buy naman a little for myself, pero masaya rin naman ako na nagluluto lang, ha, ha, ha,” masayang kuwento ni Mariel.

080314 robin mariel
MAG-AARAL SA SPAIN NG ORGANIC FOOD

Simula ng nawala ang programa ni Willie Revillame sa TV5 ay nawalan na rin ng regular show si Mariel at para siguro hindi siya ma-bore ay wala siyang ginawa kundi magluto ng kung-ano-anong organic food na ipino-post niya sa Instagram ang recipe.

“Oo, masaya na ako sa ganoon, marami akong natutuhan,” saad ng maybahay ni Binoe.

Bale ba Ateng Maricris kung hindi pala dumating ang offer ng Talentadong Pinoy ay lilipat silang mag-asawa sa Spain para mag-aral nga raw ng organic food.

“Wala pa kasing ganoon dito (Pilipinas), eh, doon sa Spain ang mayroon so iyon ang plano ko, eh, biglang heto dumating nga ang ‘Talentadong Pinoy’, eh, siyempre rito na muna ako, parang kabuhayan showcase nga, ‘di ba?  Timing din kasi si Robin ginagawa ang ‘Bonifacio’ movie, so stay kami rito,” kuwento ni Mariel.

Wala raw exclusive contract si Mariel sa TV5, “free lancer ako, Reggs.”

US TOUR, MAPUPURNADA?

At kung hindi kami nagkakamali ay dalawang season ang Talentadong Pinoy na aabutin hanggang Disyembre na ayon nga kay Mariel ay purnada ang US tour kasama ang lolo’t lola niya.

“Ang galing mo, alam mo agad na two seasons? Actually, ng malaman ko na aabutin ng December, nag-panic ako kasi may tickets na kami for US trip namin nina lolo’t lola kasi ipapasyal namin si lola, first time niya kasi before na-deny siya (visa) so now go na, eh, since may ‘Talentadong Pinoy’ pa, so I have to adjust, baka maunang lumipad sina lolo at lola, susunod na lang ako,” kuwento pa ni Mariel.

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *