Friday , April 26 2024

Hustler sa cara y cruz itinumba

PATAY ang isang 28-anyos sinasabing hustler sa cara y cruz nang barilin sa ulo habang nagsusugal ng hindi nakilalang suspek sa Port Area, Maynila kamakalawa.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Francisco Tepase, ng #60 Bgy. 649, Block 5, Old Site, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Habang mabilis na tumakas ang suspek makaraan ang pamamaril.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Rommel del Rosario, nangyari ang insidente dakong dakong 1 p.m. sa seawall at harapan ng isang outpost sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nang manalo ang biktima sa sugal ay nilapitan ng suspek at pinagbabaril.

Sa imbestigasyon, kilala sa lugar na hustler sa cara y cruz ang biktima at wala silang alam na atraso para siya ay patayin

Patuloy na nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing insidente.

(LEONARD BASILIO, May dagdag na ulat si John Bryan Ulanday)

About hataw tabloid

Check Also

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *