Friday , April 26 2024

Negosyante dinukot sa Maynila

061914_FRONT

TINANGAY ng anim armadong lalaki ang isang negosyante sa tapat ng kanyang bahay sa Arellano St., kanto ng Fortuna St., Brgy. 627, Zone 63, Ramon Magsaysay Blvd., Sta. Mesa, Maynila kahapon.

Sa impormasyon mula kay Manila Police District (MPD) Sta. Mesa station (PS 8) commander, Chief Supt. Redentor Ulsano, dakong 1 a.m. nang lumabas ng kanilang bahay ang biktimang si Alberto “Jack” Chung,   40, upang pumasok sa pag-aari niyang Chunics Building sa R.M. Blvd.

Ngunit biglang  huminto ang isang itim na SUV at sapilitang isinakay ng mga armado ang biktima.

Bago umalis ay tinutukan ng baril ng mga suspek ang mga kumakain sa katapat na karinderya.

Nakita sa CCTV footage ang isang itim na Mitsubishi Adventure (TVG 696) na huminto sa bahay ni Chung at hinihinalang dito isinakay ang biktima.

ni LEONARD BASILIO

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *