Friday , April 26 2024

Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na ng ABS-CBN, wagi ng 2 Asia-Pacific Tambuli Awards

ni Maricris Valdez Nicasio

PARANGALAN ng gold at siver award ang kampanyang Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na ng ABS-CBN para sa Advocacy category at Innovative and Integrated Media category sa ginanap na UA&P (University of Asia and the Pacific) Asia-Pacific Tambuli Awards 2014 kamakailan.

Ang Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na ay ang malawakang kampanya ng ABS-CBN Corporation upang makalikom ng pondo para sa muling pagbangon ng mga biktima ng Bagyong Yolanda. Bukod sa daan-daang milyong pisong halaga ng cash at in-kind donations, nakapag-organisa ang ABS-CBN ng dalawang sold-out solidarity concerts sa Araneta Coliseum at nakapagbenta ng mahigit sa isang milyong Tulong shirts sa loob lamang ng isang buwan.

Umabot na sa 3,636,475 indibidwal ang naabutan ng relief goods ng  Tulong Na, Tabang Na, Tayo na sa pamamagitan ng disaster emergency and rehabilitation arm ng ABS-CBN na Sagip Kapamilya.

Layon ng Sagip Kapamilya na makapagpatayo ng 108 silid-aralan sa Basey, Samar at Dulag, Leyte at mamahagi ng 4,000 bangka sa nasabing mga lugar at maging sa mga kalapit bayan nitong Marabut at Sta. Rita.

Nagsimula ang UA&P Asia-Pacific Tambuli Awards noong 2007 upang kumilala sa mga malilikhaing integrated marketing communications campaign na nagtataguyod ng kabutihan sa lipunan. Ngayong taon ay umabot sa 361 entries mula sa Australia, Bangladesh, India, Japan, Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam ang pinagpilian, ngunit 54 programa lamang nakakuha ng parangal.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *