Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Wansapanataym special nina Andrea at Raikko, may heavenly finale ending sa Linggo

Wansapanataym special nina Andrea at Raikko, may heavenly finale ending sa Linggo

ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI mapapantayang sarap ng pagmamahal ng pamilya ang ipararamdam ng Kapamilya child stars na sina Andrea Brillantes at Raikko Mateo ngayong Linggo (Hunyo 8) sa pagtatapos ng  Wansapanataym special nilang My Guardian Angel.

Sa pagdakip ng isang sindikato kay Ylia (Andrea), gagawin ng guardian angel na si Kiko (Raikko) ang lahat upang mailigtas siya. Paano mapoprotektahan ni Kiko si Ylia kung wala na ang kanyang super powers? Makababalik na ba si Kiko sa langit sa oras na isakripisyo niya ang sarili para kay Ylia? Sa huli, mararamdaman na ba ni Ylia ang matagal na niyang inaasam na pagmamahal ng kanyang mga magulang?

READ MORE:  Dennis, nabahag ang buntot kay Angel (Matapos patutsadahang luma na ang konsepto ng serye…)
READ MORE:  EB, aminadong malamlam na ang AlDub

Tampok din sa My Guardian Angel sina Mylene Dizon, Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Ruby Rubi, Gerard Pizarras, Abby Bautista, Racquel Pareño, Lui Villaruz, Dale Badillo, Jovic Susim, at Vangie Martell. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Jon “Sponky” Villarin.

READ MORE:  Pauleen at Vic, engaged na; singsing na may malaking bato ang patunay

Huwag palampasin ang ‘heavenly ending’ ng Wansapanataym special nina Andrea at Raikko ngayong Linggo, 6:45 p.m., bago mag-The Voice Kids sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved