Friday , April 26 2024

‘Tamang-hinala’ ipinakulong ng dyowa

“Nakakatakot na po siya ngayon, baka po mapatay niya kami ng mga anak niya, palagi na lang siyang tamang hinala, wala na nga po siyang ginagawa kundi kumain, matulog at mag-drugs, ako na ang nagtitinda at naghahanapbuhay pagkatapos ay  araw-araw pa niya akong bubugbugin!”

Ito ang pahayag ni Jackilyn Freza,30, ng 532 Quezon Boulevard, Quiapo, Maynila, kaya niya ipinakulong ang kanyang kinakasama na si Albert Astorga, 29.

“Kung ano-ano po ang sinasabi niya sa akin, minsan sinabi niya may tumatawag sa akin sa bintana. Sino naman po ang tatawag sa akin don, e ilog ‘yon. Pinipilit po niya akong sabihin ko na raw kung sino ang guma-gago sa kanya,” dagdag a ni Freza.

Salaysay ni Freza, nagsimula ang kanyang kalbaryo nang malulong sa droga ang kinakasama.

Hindi na umano natiis ng biktima ang pananakit sa kanya ng suspek at kamakalawa ng gabi, tinawag siya ng suspek habang nagtitinda at pinaakyat sa kanilang bahay para lamang bugbugin.

“Pinagtatadyakan po niya ako, may malaking pasa po ako sa tagiliran kung hindi ko po siya ipakukulong baka kung ano na ang magawa niya sa akin, wala na siyang pinakikinggan, kahit sinong tumingin sa kanya sinisita n’ya laging tamang hinala,” dagdag ng biktima.

Nakatakas lamang ang biktima at nakapagsumbong sa barangay nang magkunwaring siya’y nagugutom.

Samantala, nakade-tine na sa Manila Police District-Women’s Desk ang suspek at kanyang itinanggi ang pambubugbog sa kinaksama.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *