Friday , April 26 2024

Abogado ni konsi vs mayor utas sa boga

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang tumatayong abogado ni City Councilor Myla Ping makaraan barilin sa San Gabriel, Tuguegarao City, dakong 8:28 p.m. kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Atty. Isagani Garcia, 35, tubong Tumauini, Isabela at pansamantalang naninirahan sa Alimanao, Penablanca, Cagayan, professor ng Cabagan State University.

Si Atty. Garcia ay tumatayong abogado ni Ping sa kasong graft na isinampa sa Ombudsman laban kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano.

Agad naisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima para sa kaukulang medikasayon ngunit idineklarang dead on arrival.

Tinambangan ang biktima ng hindi pa matukoy na riding-in-tandem.

Patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *