Friday , April 26 2024

Rita, ayaw mag-ninang sa kasal dahil lalabas na matanda na raw siya

ni  Roldan Castro

ISA sa pinupuri ni Rita Avila ay ang Primetime Queen na si Marian Rivera na ‘nanay-nanayan’ ang turing sa kanya at suportado ang mga manika ng aktres. Nagsimula raw ang magandang relasyon nila ni Marian sa serye ng TAPE na Agawin Mo Man Ang Lahat with Oyo Sotto.

Hindi naputol ang communication nila at  nagte-text pa rin sila sa isa’t isa.

Noong mabalitaan nga raw ni Marian na mayaman ang role ni Rita sa  Walang Hanggan ng ABS-CBN 2, pinadalhan daw siya ng maraming damit na bago.

“Ang sweet talaga ni Marian. Bilib ako sa loyalty niya,” sambit pa ni Rita.

Mabait na tao raw si Marian kaya nagugulat siya ‘pag may balitang lumalabas na nagmamaldita ito.

Tinanong ang aktres kung papayag ba siyang maging ninang sa kasal ni Marian ‘pag ikinasal na kayDingdong Dantes?

“Ay, ayokong maging ninang! Lalabas na talagang matanda ako! Ha! Ha! Ha,” tumatawa niyang pahayag.

Wala bang nag-alok sa kanya na gawing ninang siya sa kasal?

“May nagsabi sa akin pero tinanggihan ko! Ha! Ha! Ha! We’ll see,” sambit pa niya.

Talbog!

MIKE, AMINADONG NARANASANG DINADAAN-DAANAN NA LANG

MARAMING rebelasyon si Mike Magat nang makatsikahan sa advance screening ng Full Moon.

“Nagpapasalamat ako kay Direk Dante (Pangilinan) at sa producer namin na si Nell dahil nagtiwala sila na sa akin ibigay ‘yung pelikula.  Pwede pa pala akong magbida, may mga taong naniniwala pa pala sa akin.

“Actually, dumating ‘yung time sa akin na parang naramdaman ko, artista pa ba ako? Kasi dadaan-daanan ka na lang na parang hindi ka na kilala ng mga tao.

“Pati pagdating sa talent fee mo nararamdaman mo na binabarat ka.  Noong araw puwede mong sabihin na ganito ang budget mo, kaya mong mag-demand. Ngayon hindi na.

“Ngayon na-realize ko, sabi ko sa sarili ko ‘pag dumating ‘yung pagkakataon na magkaroon ulit ako ng project, siguro pagbubutihin ko na lang. Ang daming dumarating na mga bago, mga gwapo at saka magagaling, kumbaga ang bilis magpalit ng artista. So one time nag-isip ako talaga ako,  parang nagmuni-muni ako sa buhay ko.

“Dumating nga ‘yung time na dahil wala akong trabaho, wala nang offer sa akin sa pelikula, naisip kong mag-apply na lang akong crew sa isang production para feeling  ko part pa rin ako ng showbiz, pero behind the camera na lang.

“Kumbaga kung 500 a day kikita ako ng 15,000 a month. Naranasan ko ring maglakad sa pupuntahan ko kasi wala akong pamasahe. Naging family driver din ako. Naitago ko ‘yan. Maraming hindi nakaalam na ginawa ko ‘yun.Simpleng buhay na lang ‘yung naisip ko ‘yun,” pagtatapat niya.

Pero hindi siya nawalan ng pananalig sa Diyos kahit umabot na sa panahong gusto niyang magpakamatay dahil sa depresyon.

“Naging abala ako sa simbahan. Lagi kong pinagpi-pray, ‘Lord kung saka-sakali, ibalik mo po sa akin ‘yung dati’. ‘Yun ang kaya kong ipangako, hindi ako magbabago.

“Sabi ko hanggang kamatayan patuloy akong maglilingkod sa Nasa Itaas, may trabano o wala,” aniya pa.

Umabot din sa punto si Mike na ibinenta ang dalawa niyang sasakyan, bahay, at kotse noong wala na siyang pinagkakakitaan.

“Lahat ng naipundar ko ay nawala,” sey pa niya.

Malaking tulong din ang pagtatrabaho niya sa Japan para makabangon. Doon siya nagkaroon ng  pag-asa. Pagbalik niya ay nakabili ulit siya ng sasakyan. Umiwas na rin siya sa mga gimik sa gabi. Iniisip niya ngayon ay kung paano mapalago ang pera niya. Kaya naman nagpo-produce  siya ng indie movie na Mga Batang Hamog.

Palabas na ngayong May 7, Wednesday ang Full Moon. Kasama rin sa pelikula sina Derrick Monasterio, Barbie Forteza, Ricardo Cepeda, Eric Fructuoso, at Selina Sevilla.

Tsuk!

About Roldan Castro

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *