Friday , April 26 2024

TNT handa kahit sinong kalaban — Black

NAGHIHINTAY ngayon ang Talk n Text kung sino ang makakalaban nito sa finals ng PBA Home Tvolution Commissioner’s Cup.

Pagkatapos na walisin nito ang Rain or Shine sa loob lang ng tatlong laro sa semifinals, lalong napalapit ang tropa ni coach Norman Black sa titulo.

Labing tatlong sunod na panalo na ang naitala ng TNT sa torneo at kung wawalisin nila ang finals, sila ang magiging unang koponan sa kasaysayan ng PBA na nagkampeon na walang talo.

Sumandal ang TNT sa kanilang 14 na naisalpak na tres upang putulin ang mga rally ng Rain or Shine.

Nanguna sa opensa ng TNT si Ryan Reyes na nagtala ng limang tres tungo sa 15 puntos.

“My teammates gave me an opportunity to get open so I just took the shots,” ani Reyes na dating Rookie of the Year sa PBA noong 2008. “We just got the opportunities to get open because of the kickouts, as coach Norman has advised us. Everyone is healthy and we got a good rest after we got knocked out last conference. We’re a hungry team and it’s nice to be back in the finals.”

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

1st CNES Chess Tournament

1st CNES Chess tourney sa Mayo 11 na

Manila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the crop …

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *