Friday , April 26 2024

NAIA illegal boarders, masama pa rin ang loob

00 Bulabugin JSY
NAKATUTUWA naman malaman na malaki na ang ipinagbago ng mga opisina ng tatlong passengers’ terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula nang ‘pasabugin’ natin sa ating pitak ang paglulungga ng mga tinaguriang “illegal boarders.”

It means na nabulabog sila sa isinagawa nating expose ng mga kabulastugan at ‘di tamang pagkilos ng ilang manggagawa sa paliparan.

Sa ginawang inspection ng MIAA officials sa mga tanggapan ng NAIA bilang bahagi ng ating constructive criticism ay napatunayan nila na tama at eksakto ang nakalap natin na impormasyon.

‘Ika nga ay nag-improve in terms of professionalism. At ang manners at characters ng mga nailathala natin ay ‘pansamantalang’ iniligpit ang kani-kanilang paraphernalia gaya ng microwave oven, kaldero, electric fan, radio at iba pang kitchen utensils.

Pero ano ba itong ating naririnig na imbes matuwa na nalinis at mukha nang presentable office ang working place ng mga empleyado ay ‘umuusok’ pa rin daw sa galit ang illegal boarders natin sa rampa?

‘E hindi ba sila natutuwa na naging maayos na ang lahat pati ang umano’y nagaganap na immoral sa loob ng mga makeshift ‘love nest’ ay nabawasan na!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *