Saturday , April 27 2024

Liyamado pa rin si PacMan

SA linggo na ang laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley sa MGM Grand, Las Vegas.

Kung sa unang paghaharap nila ay liyamadong-liyamado si Manny kay Tim, ngayon ay halos pantay na sa sugalan sa Las Vegas ang odds.

Siyempre, ibang Bradley na ang makakaharap ngayon ni Pacquiao kumpara noong una silang naglaban na natalo ang Pinoy pug sa isang kontrobersiyal na split decision.

Pagkatapos kasing manalo ni Bradley kay Pacman, dalawang malaking panalo ang inirehistro niya kontra kina Provodnikov at Juan Manuel Marquez.

Ganoon pa man, marami pa ring eksperto ang naniniwala na liyamado sa laban si Pacquiao base na rin sa huling laban nito  kay Bam Bam Rios na kung saan ay dinomina ng Pinoy fighter via 12 round unanimous decision.

Alam naman natin ang kalidad ni Pacquiao, mabagsik ito kapag rematch na ang pinag-uusapan.   Di ba’t nilapa niya sa rematch sina Antonio Barrera, Eric Morales at iba pa.

Mas lalong mabagsik si Pacquiao kapag natatalo siya.  Hindi siya ang  klase ng boksingero na kapag natalo ay sumisisid na ang boxing career.   May kalidad siyang bumalik ng may bagsik.

Ipinakita niya iyon pagkatapos ng pagkatalo kina Torrecampo at  3K Battery.  Nagawa niyang makarating sa rurok ng tagumpay pagkatapos ng mga kabiguang iyon.

Kaya tingin natin—kung iikot lang ang kasaysayan niya sa ring, kakawawain niya si Bradley.

Nag-aalala lang tayo sa ngayon dahil medyo kumakapit na rin sa kamao ni Pacman ang edad.   Dagdag pa roon ang pagbabago niya ng paniniwalang ispirituwal.

At ang isa pang hinahanap ko kay Pacman ay ang dati niyang gutom sa boksing.

Nakuha kaya niyang muli iyon pagkatapos ng talo kay Juan Manuel Marquez?

Alex L. Cruz

About hataw tabloid

Check Also

1st CNES Chess Tournament

1st CNES Chess tourney sa Mayo 11 na

Manila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the crop …

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *