Friday , April 26 2024

Paolo, madalas maglaro noon sa Malacañang

ni  Pilar Mateo

PATULOY sa pagbibigay ng kanyang mga walang kapantay na panayam ang kamakailan lang binigyan ng parangal ng ENPRESS, Inc. sa katatapos ba 5th Golden Screen TV Awards na si Cristy Fermin sa Ang Latest Updated bilang Outstanding Female Showbiz Talk Program Host.

At ngayon, inaabangan naman ang kanyan CBC (Cornered by Cristy) segment sa Showbiz Police mula Lunes hanggang Miyerkoles sa TV5, siksik na at maapaw pa sa mga never been asked before na interbyuhan ang kanyang inihahain sa nasabing segment.

Sa linggong ito, ang mga rebelasyon tungkol sa news anchor na si Paolo Bediones ang ibabahagi sa mga manonood.

Ilan ba sa atin ang nakaaalam na apo pala siya ng bunsong kapatid ng yumaong Ferdinand Edralin Marcos, si Gng. Fortuna Marcos Barba? Kaya sa ilang pagkakataon, naging normal na sa kanya ang pagtuntong sa Palasyo ng Malacanang dahil sa kanilang mga family reunion.  At dahil bata pa siya, wala sa hinagap niya ang mga bagay tungkol sa politika.

“Ang natatandaan ko lang, takbuhan kami nang takbuhan sa paglalaro ng mga pinsan ko, tinatapak-tapakan namin ‘yung malalaking sofa sa Malacañang, ginagawa naming slide ang napakadulas na sahig. Naaalala ko pa rin ‘yung pagpapapila sa amin ni Madame Imelda Marcos kapag Christmas. Ang dami-dami naming mga bata na nakapila, may aginaldo kaming lahat kay Lola Meldy.”

Pero sa isang parte ng kabataan niya, may ilang pasaring na ring tumitimo sa  kanyang isip na hindi pa niya noon mawari. Na mula sa mga kaklase niyang “bully”.

“Oy, Bediones, manglibre ka naman! Pera naman ng bayan ang ginagastos mo!”

Kuwarenta-anyos na ngayong buwan si Paolo. At iilan lang din ba sa atin ang nakaaalam na muntik nang may tumawag na “Daddy” sa kanya, kung hindi ito nakahulagpos sa sinapupunan ng kanyang ina noong tatlong buwan na ito sa tiyan ng dating girlfriend ni Paolo. Na lubha niyang pinanghihinayangan.

May isa pang ipinagtapat si Paolo sa upo niyang ‘yun sa CBC. Ito ang paglalantad niya sa matagal na pala niyang problemang sakit sa balat na kung tawagin ay ‘psoriasis’.

Bahagi ng pagiging totoong tao ni Paolo ang paglalantad ng matagal na niyang pinoproblemang sakit sa balat. Mayroon siyang psoriasis, nakatago lang ‘yun sa magara niyang suit kapag humaharap siya sa mga camera pero matindi ang pangangati niyon,  ”orgasmic” ang ginamit niyang termino sa kakaibang sarap kapag kinakamot na niya ang kalat-kalat niyang psoriasis sa buong katawan.

Bukod sa pagiging totoo, gustong sabihin ni Paolo sa publiko ang impormasyon na hindi nakakahawa ang psoriasis, hindi lang ‘yun magandang tingnan at titigan, pero kahit makipagkiskisan tayo sa may psoriasis ay hindi naman daw ‘yun lilipat sa ating balat.

“Orgasmic ang feeling kapag kinakamot mo na, napakasarap kamutin, lalo na kapag nakabilad ka sa arawan. May lumalabas din sa noo ko, ‘yun ang sign na magiging active na rin ang mga nasa iba pang parte ng katawan ko.”

At sa ngayon, kabahagi na si Paolo ng Psoriasis Philippines at gusto niyang mas lawakan pa ang pagpapakalat ng impormasyon sa ating mga kababayan na hindi nakahahawa ang naturang sakit.

At gaya ng sinabi niya sa host ng Showbiz Police sa CBC nito, “Hug me… I’m not contagious.”

DATING HITSURA NG MUKHA NI LANCE, TINIYAK NA MAIBABALIK!

SAMANTALA, isang freak accident naman ang inabot ng singer-actor na si Lance Raymundo sa isang gym na naka-enrol for his health and well-being.

At may ipinahayag ang kanyang butihing inang si Nina Zaldua sa nasabing insidente. Na noon ngang March 19, nangyari ang isang maituturing na trahedya nang bumagsak sa mukha ng kanyang anak ang may timbang na 80 lbs. na metal barbell. Nakahiga ito sa bench press at ang umaasiste sa kanyang gym instructor dislodged the barbell accidentally sa ibabaw ng mukha ni Lance. Kaya nga multiple, facial bone fractures na dumurog sa kanyang ilong at parteng gitna ng mukha ang inabot ni Lance. Nagpapasalamat sila sa Panginoon na hindi naapektuhan ang leeg at bungo ni Lance.

Kakailanganin nga lang daw ni Lance ng dalawang major reconstructive facial procedures. Ang isa ay isinagawa na noong March 25 at ang kasunod eh, pagkalipas ng  dalawa o tatlo pang linggo. At sinabi naman daw ng mga doktor sa pamilya ni Lance na manunumbalik sa rati ang mukha nito, 100%.

Kaya nakiusap ang kanyang ina sa mga producer, caster, at production houses, movie outfits at directors na may contractual obligations si Lance na hindi ito makakapag-trabaho sa loob ng tatlong buwan.

Ang gusto lang daw ni Lance ngayon eh, maipaabot sa mga tao na maging warning itong nangyari sa kanya at maging safety reminder sa mga nagtutungo sa gym to practice extra precaution at magbigay ng 100% focus para maiwasan ang nasabing aksidente sa mga darating na araw.

Wala naman daw demandang ihahain si Lance sa naka-aksidente sa kanya.

Pero may mga usap na kumalat na may ibang  kausap daw ito habang inaasikaso si Lance kaya nawala sa kanya ang focus nito. Sabi-sabi po ‘yun kaya nga ang ibinabahagi ni Lance eh, ang ibayo na lang pag-iingat at FOCUS sa anumang ginagawa natin sa gym!

Ang bait ng pamilya nina Lance, ‘di ba? Kaya soguradong madali siyang pagagalingin ni Lord. This has got to be a reason for happening.

About hataw tabloid

Check Also

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak at Barbie ‘di tamang pinaghihiwalay

HATAWANni Ed de Leon UNFAIR naman iyang sinasabing sana tuluyan nang magkahiwalay sina Barbie Forteza at Jak Roberto. …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nagsisi nang magpagupit ng buhok sa ibang bansa

MATABILni John Fontanilla MUKHANG pinagsisihan ni Maine Mendoza ang ginawang pagpapagupit ng buhok na maiksi sa ibang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *