Friday , April 26 2024

Diego, mas bagay sa action series

ni DANNY VIBAS

KUNG sino man ang manager at adviser ni Diego Loyzaga, tama ang payo nila na sumali pa rin sa cast ng Mira Bella ang anak ni Bing Loyzaga kay Cesar Montano.

Tama, kaysa magmukha siyang pikon, tampuhin, itsapuwera, at malalaos na ‘di pa man sumisikat.

Isa si Diego sa dalawang leading men ni Julia Barreto sa Mira Bella na parehong pinalitan pagkatapos nilang mag-taping ng ilang eksena at maipakilala na sa madla sa press conference ilang buwan na ang nakararaan.

Dumating si Diego sa press conference para sa Mira Bella kamakailan. Sumayaw pa nga siya na kasama nina Julia, Sam Concepcion, Enrique Gil, Myka de la Cruz, at marami pang ibang young stars.

Guwapo naman si Diego, matangkad (mas matangkad pa yata siya kay Enrique), at matipuno na ang katawan. Mukha naman siyang artista—pero ‘di na siya mukhang teen. Mature na siyang tingnan.

Hindi na nga siya bagay kay Julia. Ni hindi nga bagay sa kanya ang sumasayaw-sayaw kasama ang mga batang artista na mukha pang mga bata. Pero magaling naman siyang sumayaw. Maliksi naman at nasa tiyempo. (At saka baka magaling siyang kumanta, dahil singer ang nanay, at naging folk singer din sa Malate ang tatay n’ya noong bata pa.)

Parang sa action series siya dapat ilagay ng Dreamscape, ang producer ng Mira Bella para sa ABS-CBN 2. Mas bagay nga siyang gumawa ng action scenes kaysa kay Daniel Padilla.

Kundi man sa isang action series, pwede rin siya sa isang sexy series na gaya ng Moon of Desire na ipina-press conference naman ng ABS-CBN noong Huwebes ng gabi. Sina Meg Imperial, Ellen Adarna, JC de Vera, Dominic Roque, Don Mendez, at Franco Daza naman ang mga pangunahing bituin.

About hataw tabloid

Check Also

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak at Barbie ‘di tamang pinaghihiwalay

HATAWANni Ed de Leon UNFAIR naman iyang sinasabing sana tuluyan nang magkahiwalay sina Barbie Forteza at Jak Roberto. …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nagsisi nang magpagupit ng buhok sa ibang bansa

MATABILni John Fontanilla MUKHANG pinagsisihan ni Maine Mendoza ang ginawang pagpapagupit ng buhok na maiksi sa ibang …

GMA The Boys of Summer

Boys of Summer palaban sa ganda ng katawan at sex appeal

KUNG mayroong Sparkle 10 ladies na super display ng kanilang magaganda at seksing mga katawan, matindi rin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *