Friday , April 26 2024

Ai Ai, ayaw nang matanong ukol kay Kris

ni  Maricris Valdez Nicasio

“HINDI kami galit!” ito ang tinuran ni Ai Ai delas Alas nang makausap siya ng ilang entertainment press pagkatapos ng presscon proper ng pinakamalaking teleserye ng taon, ang Dyesebel na pagbibidahan ni Anne Curtis.

Iginiit pa ni Ai Ai na huwag na siyang tanungin pa ukol kay Kris Aquino dahil lumalaki lamang daw iyon na wala namang kuwenta. “Manahimik na lang,” anang pa ng Veteran comedienne. Ito ay bilang sagot ukol sa usaping hindi pa sila okey ng kanyang kaibigang si Kris.

Follow-up lamang ang tanong na ito nang may nagtanong kay Aiai kung willing ba siyang mag-guest sa Aquino & Abunda Tonight, ang show nina Kris at ng kanyang manager na si Boy Abunda.

“Oo, willing naman ako. Willing naman ako, oo naman, wala naman sa akin ‘yon. Alam naman natin na marami kaming pinagsamahan ni Kris.

Pero mas gusto raw niyang si Kuya Boy ang mag-interbyu sa kanya.”Kung si Kris ang mag-i-interview? Okey lang. Pero mas maganda kung si Boy na lang, oo siyempre ama ko ‘yon. Huwag kayong ganyan, intrigera kayo,” sagot pa niya.

Nag-ugat ang usapang hindi okey ang magkaibigang Ai Ai at Kris nang hindi nakapunta ang una sa burol ng biological mother ng huli dahil nasa London noon si Kris.

About hataw tabloid

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *