Friday , April 26 2024

Anti-Dynasty Bill makapasa kaya sa Kongreso?

00 Bulabugin JSY

‘YAN ang tanong ngayon ng mga kababayan natin.

Mag-iiba kaya ang kapalaran ng Anti-Dynasty Bill sa Freedom On Information (FOI) Bill?

Pero marami ang nagsasabi na imposibleng makalusot ang batas na ito dahil sinasabi rito na isa lang sa bawat pamilya ang pwedeng tumakbo sa ano mang posisyon tuwing eleksiyon.

Layunin umano ng prohibisyon na ito na ‘wasakin’ ang konsentrasyon ng kapangyarihan sa iilang pamilya lamang.

Ang siste hindi maikasa sa Kamara ang sponsorship at debate sa nasabing panukalang batas dahil maraming kongresista ang  ‘NEGA’ sa nasabing House Bill.

O sige nga, gugustuhin ba ni VP Jejomar Binay ‘yang batas na ‘yan?

‘E how about the Erap Estrada family na nakapila na yata kung sino-sino ang mga papapasukin nila sa politika.

‘Yung mga Ortega sa La Union?!

‘Yung mga Revilla pa … at kung sino-sino pang angkan na ang political tentacles ay plastado na sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.

Good luck na lang kay Caloocan City Rep. Egay Erice at sa kanyang mga kasama, kung paano nila mailulusot ang batas na ‘yan.

Babantayan natin ‘yan.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *