Saturday , April 27 2024

P1.2-T tax case vs Lucio Tan inaalam ng Palasyo

INIUTOS ng Malacañang sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na alamin kung ano na ang status ng tax evasion case laban kay Lucio Tan ng Fortune Tobacco Corp., Tanduay Distillers, Asia Brewery at Allied Bank.

Magugunitang 2011 pa isinampa ni Danilo Pacana, dating internal audit manager ng Allied Bank, ang P1.2 trillion tax evasion case sa BIR at hanggang ngayon ay wala pang desis-yon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, aalamin nila kung ano na ang update sa kaso kasabay ng katiyakang walang sisinuhin sa dapat panagutin.

Ayon kay Lacierda, lahat ng taxpayers ay binubusisi ng BIR at hindi lamang mga kilalang personalidad.

Dumistansya naman ang opisyal sa multi-billion tax evasion case laban kay Tan na nabasura dahil hindi pa raw nila panahon nang ito’y maibasura sa korte.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *