Thursday , May 9 2024

Paghahanda sa mga pagbabago at pagsubok sa 2014

SA pagpasok ng isang bagong tao’y ugali na ng mga Pinoy ang gumawa ng isang listahan na nakalagay ang mga ugaling buburahin at papalitan ng mas magaganda o New Year’s Resolutions.

Handa ba naman tayo sa mga pagbabagong ipinangako at mga pagsubok na haharapin?

Bilang inspirasyon ay itatampok ngayong Sabado, 9:00 a.m. sa  Gandang Ricky Reyes Todo NaToh (GRR TNT) sa GMA News TV,

ang istorya ni RJ Sombrero, 17-anyos may sakit na cancer of the bone o “osteosacoma.”  Kahit kinailangang putulin ang kaliwang paa’y ‘di nawalan ng pag-asa na isang araw ay lalabas siya ng ChildHaus (ang pansamantalang bahay-tuluyan ng mga batang maysakit) na magaling na, malakas, at masayang tulad ng ibang kaedad niya.

Ipakikita rin ang mga pagsubok sa reality contest na Mr. and Ms. Sogo Ambassadors. Para makamit ang titulo’y kailangang magtanim, maglinis ng kapaligiran, mag-alaga sa mga pasyente ng Childhaus at mga matatanda sa “home for the aged.”

May judges na kasama sa bawat challenge ang mga contestant na nagbibigay sa kanila ng kaukulang puntos.

May mga bagong pahayag ang mga nakasubok at nasiyahan sa MX3 coffee, tea at capsule.  Kilala na sa buong mundo ang bisa ng mga ito na mula sa katas ng garcinia mangostana na binansagang “wonderfruit” mula sa Davao City.

Isang kababayan ang kasalukuyang  nakatira sa Hawaii, USA ang sumulat para humiling ng isang make over para sa kanya at kanyang ina. Gusto ng letter-sender ni Mader na byuti sila sa pagdalo sa junior-senior prom na dadaluhan sa Marso.

Isang beauty holiday ang ibinigay ni Mader sa kanila … bagong hair syle, make up, body massage, at skin treatment.  Umuwing feeling beautiful ang mag-ina.

Lahat ng ito at marami pang iba sa GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision.

About hataw tabloid

Check Also

Claudine Barretto Daiana Menezes

Bahay ng magulang ni Claudine ninakawan, ina muntik ma-ER

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HALOS nalimas ang mga naggagandahang appliances na bago pa at …

Diwata Pares Rosmar

Diwata naiyak sa bahay, P1-M bigay ni Rosmar

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAIYAK at napababa ng closed van si Diwata nang iabot …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven ginu-groom ng Viva para maging dramatic actress

HARD TALKni Pilar Mateo SUPER ang suporta ng MarVen sa tambalang Marco Gallo at Heaven Peralejo.  Na ipinadama sa mga …

FranSeth Francine Diaz Seth Fedelin

FranSeth wala pang dating, imposibleng mapalitan ang KathNiel

HATAWANni Ed de Leon NAKU ewan ko ba, iyon naman daw FranSeth ang siyang papalit sa KathNiel. Bakit …

Alden Richards Richard Faulkerson

Tatay ni Alden nagpa-SOS sa NBI; Blogger na naninira hahantigin

HATAWANni Ed de Leon NAGBIGAY na rin ng warning ang ama ni Alden Richards dahil sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *