Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Palpak na Pyrotechnics display sa SM MOA sino ang dapat managot?!

Palpak na Pyrotechnics display sa SM MOA sino ang dapat managot?!

00 Bulabugin JSY
PAGKATAPOS  masugatan ang 23 katao sa ginanap na PYROTECHNICS DISPLAY sa SM Mall of Asia (MOA) nitong pagsalubong sa Bagong Taon, tiyak na marami na ang matatakot na manood nito sa mga susunod na taon.

Pero ang tanong, sino ba ang dapat managot sa pangyayaring ‘yan na ni hindi natiyak ang kaligtasan ng mga manonood.

READ MORE:  Plaza Miranda PCP Commander lumarga na vs osdo, tulak etc.

Taon-taon ay ginagawa nila ‘yan pero hindi man lang ba nila pinaglaanan ng panahon para isipin kung paano matitiyak ang kaligtasan ng mga tao?!

Mantakin ninyong nakapamahal ng extra charge sa mga restaurant na malapit d’yan sa pagdarausan ng pyrotechnics display pagkatapos hindi nila maigarantiya ang kaligtasan ng mga manonood?!

READ MORE:  Rice cartel lagot kay Sec. Manny Piñol

SM MOA, sandamakmak ang kinikita ninyo d’yan sa mga activity na ‘yan, pwede bang ayusin ninyo?!

Kung kinakailangang mag-test kayo at magsindi ng mga nasabing pyrotechnincs aba ‘e gawin ninyo!

Uulitin ko po, hindi lang kita ang dapat ninyong tiyakin, mas higit ang kaligtasan ng inyong mga KLIYENTE o CUSTOMERS.

READ MORE:  AoR ng MPD-PS-5 namumunini sa Bookies ni Koyang! (Paging Gen. Carmelo Valmoria)

Sana naman ay laging nasa isip ninyo ‘yan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com
COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved