Tuesday , October 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Manila seedling bank ipinasara (P57-M buwis ‘di nabayaran)

Manila seedling bank ipinasara (P57-M buwis ‘di nabayaran)

Ipinasara ng pamahalaan ng Quezon City ang Manila Seedling Bank Foundation, Incorporated (MSBFI),  nasa EDSA-Quezon Avenue, dahil sa pagkakautang sa buwis, Lunes ng umaga.

Ayon sa report, dahil sa hindi pagbabayad ng real property tax mula 2001 hanggang 2011 na umaabot ng P57 milyon kaya ipinasara ng Quezon City Hall ang Manila Seedling Bank.

READ MORE:  2 patay 1 kritikal sa boga ng parak (Taxi kinuyog ng kabataan)

Dakong 6:00 ng umaga nang ikandado ng mga tauhan ng QC Department of Public Order and Safety (DPOS) ang mga gate ng seedling bank sa Quezon Avenue at EDSA.

READ MORE:  P1-B liquid shabu nakompiska sa Pampanga

Ayon naman kay Jack Paleg, isa sa mga tenant at chairman ng Gardeners Landscapers and Marketering, Incoporated, bukod sa alanganin ang pagkakabigay sa kanila ng cease and desist order noong Biyernes, pinutol na rin ang suplay ng tubig kaya delikadong malanta ang kanilang mga tanim.

READ MORE:  APD trainee namatay sa hapi-hapi (Sa recognition rites sa isang private resort sa Nueva Ecija)

Bagamat inaalok na ang mga apektadong tenant ng paglilipatan sa Quezon Memorial Circle, tumanggi ang ibang tenant dahil maliit ang pwesto at matumal ang kostumer sa lugar.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved