Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2-anyos patay sa saksak ni nanay

2-anyos patay sa saksak ni nanay

LEGAZPI CITY – Patay ang 2-anyos batang babae matapos saksakin ng sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Calapucan, Brgy. Poblacion, bayan ng Monreal, Masbate kahapon ng madaling araw.

READ MORE:  Traffic rerouting para sa QC Night Run

Kinilala ang biktimang si Zhira Ragasa, tinamaan ng saksak sa dibdid dahilan ng agaran niyang pagkamatay.

Nahuli naman ang ina ng biktima na kinilalang si Nerissa Ragasa, 28-anyos.

READ MORE:  Palasyo news blackout sa Mamasapano Massacre

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang krimen habang mahimbing na natutulog ang bata sa kanilang kwarto.

Napag-alaman, nakita ng mga kapitbahay ang biktima na karga ng ina na nanlilisik ang mga mata sa hindi malamang dahilan.

READ MORE:  130 pulis laglag sa confirmatory drug test

Kwento ng mga kamag-anak ng biktima, may malaking problema ang suspek na kalimitan ay nagsasalitang mag-isa.

(BETH JULIAN)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved