Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Baby girl nahulog sa cable car, patay

Baby girl nahulog sa cable car, patay

LAKING pagsisisi ng isang ama nang ipahiram niya ang kanyang isang taon gulang na baby girl sa kanyang kompare para ipasyal, matapos ibalik na wala nang buhay ang sanggol sa Tagum City.

Ayon sa ama ng biktimang si Alyssa Jay Umalaw, hiniram ng kanyang kompare na itinago sa alyas Lablab, ang kanyang anak para ipasyal na agad naman niyang pinaunlakan.

Ngunit makalipas ang ilang oras, nakatanggap ang ama ng balita na patay na ang kayang anak.

Sa imbestigasyon ng pulisya, isinakay ang biktima sa 30 talampakan taas na cable car at ngunit aksidenteng nahulog.

Pinag-aaralan pa ng pulisya kung may pananagutan sa insidente ang may-ari ng carnival.

(BETH JULIAN)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved