Saturday , April 27 2024

Boto natin ay ipagtanggol at ibigay sa karapat-dapat

00 Bulabugin JSY

MULA pagkabata ay kinilala natin ang pagboto bilang sagradong karapatan ng isang mamamayan.

Ito kasi ang pagkakataon para iluklok sa pwesto ang inaakala nating makapaglilingkod sa mamamayan bilang public servant.

Gaya ngayon (Oktubre 28), pipiliin natin ang mga bagong opisyal ng barangay, ang batayang yunit ng lokal na pamahalaan sa ating mga komunidad.

Marami ang nagsasabi na “barangay election lang ‘yan.”

Pero gaya ng iba pang election na ginaganap sa ating bansa, krusyal din ang papel nito sa pagpapanday ng ating komunidad.

Nakasalalay sa bawat barangay ang katiwasayan, kaayusan at pag-unlad ng isang komunidad.

Sa bawat komunidad, lalo na sa mga lugar kung saan naninirahan ang mga kababayan natin na araw-araw ay nagsisikhay upang mabuhay dahil ang trabaho nila ay kakarampot ang kita, naroroon rin ang maraming problema gaya ng peace and order. Talamak ang illegal na droga,  video karera, bookies ng karera ng kabayo, illegal terminal, at iba pa.

Kung nasaan ang mahihirap na komunidad, s’yempre naroroon din ang talamak na problema sa kalusugan at edukasyon, kawalan ng trabaho, maagang pagtatrabaho ng mga menor de edad dahil wala ngang trabaho kung sino ang nakatatanda sa pamilya.

‘Yan po ang larawan ng mahihirap na komunidad sa bansa, at aminin natin sa hindi, sila ang higit na nangangailangan ng serbisyo mula sa barangay officials.

Kaya ngayon araw po, maging MATALINO sa PAGBOTO. Iboto ninyo ang mga taong tunay na magseserbisyo. Hindi ‘yung magsasamantala. Iboto ninyo ‘yung mga  magtatanggol sa inyo, hindi ‘yung mga nananakot at nandarahas sa komunidad ninyo.

Higit sa lahat, huwag ninyong iboto ang mga patong sa droga, sa illegal gambling , nangingikil sa mga vendor at higit sa lahat ‘yung mga walang gagawin sa inyong komunidad.

Kung may mag-aabot ng pera, tanggapin! Pero mas lalong huwag ninyong iboto dahil ang ibig sabihin n’yan ay hindi na sila magseserbisyo dahil binili na nila ang boto ninyo.

Inuulit ko, MAGING MATALINO sa inyong pagboto!

Good luck po sa lahat ng mga kandidatong TOTOONG magseserbisyo sa Barangay!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *