Saturday , April 27 2024

Palasyo manhid sa pag-alma ng SSS members

MANHID ang Palasyo sa pag-alma ng mga kasapi ng Social Security System (SSS) kaugnay sa pagtanggap ng milyon-milyong pisong bonus ng matataas na opisyal nito dahil sa paniniwalang nagmula ito sa kinita ng mga pinasok na negosyo at hindi sa kontribusyon  ng mga miyembro ng state-run trust fund.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, iginagalang naman ng Malacañang ang nakatakdang imbestigasyon ng Senado sa nasabing usapin.

“We respect the prerogative of the Senate to look into it but we are also confident that the — the declaration of bonuses to SSS directors are defensible and based on very strict guidelines as imposed by the GCG,” sabi niya.

“Income, hindi sa contribution. Kumita po ang SSS. So the gene[rating] … I think the SSS generated a revenue of around P200 plus million. So, iilan lang po silang mga director. Ang contribution po, that income will be used for operations, will be used for what-ever is necessary to keep SSS going,” dagdag pa niya.

Hindi naman niya maipaliwanag kung saan nagmula ang kinitang ito ng SSS.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *