Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Barangay hall bodega ng paputok ng barangay official sa Ongpin St. (Attention: BFP OIC C/Supt Carlito Romero)

Barangay hall bodega ng paputok ng barangay official sa Ongpin St. (Attention: BFP OIC C/Supt Carlito Romero)

00 Bulabugin JSY

NINERBIYOS na naman pala ang mga residente sa isang barangay d’yan sa Sta. Cruz, Maynila sa Fernandez St.,kanto  Ongpin St.

Doon po ‘yan sa lugar na nasunog ang isang bahay at ikinamatay ng apat katao.

Ang rason daw ng sunog ay dahil sa napabayaang CHARGER ng cellphone. At dahil luma na raw ‘yung bahay kaya mabilis na nilamon ng apoy.

Sonabagan!!!

Pero ayon sa mga natanggap nating INFO, mula sa mga reliable source, madaling nasunog ang nasabing bahay dahil ginagamit pala itong bodega ng mga paputok ng isang barangay chairman.

READ MORE:  Congressman ‘Boy Tulog’ sa kongreso

Ang ipinangangamba ngayon ng mga residente ay ang nakikita nilang pag-iimbak na naman ni Barangay official ng kanyang mga panindang paputok sa 2nd floor ng barangay hall.

Paano kung magkaroon na naman ng SUNOG at sumabog nang sabay-sabay ‘yang mga paputok na ‘yan?

‘E talagang DAMBUHALANG APOY ‘yan kapag nagkataon lalo na kung ‘PAPUTOK’ ang pagmumulan.

READ MORE:  Kinabukasan nakasalalay sa malinis na boto (Iboto ang karapat-dapat — Mayor Fred Lim)

Tsk tsk tsk …

BFP OIC Chief Supt. Carlito Romero Sir, mayroon na ba kayong opisyal na ulat sa sunog na naganap sa kanto ng Fernandez at Ongpin streets na ikinamatay ng apat katao nitong nakaraang dalawang linggo?!

Iniinspeksiyon mo na ba ang mga lugar, bodega o tindahan na posibleng gawing imbakan ng paputok d’yan sa AREA OF RESPONSIBILITY mo?!

Aba, ‘e makipag-COORDINATE ka kay Chairwoman NORMA MORALES para matukoy n’yo agad kung saan-saan ang mga imbakan ng paputok d’yan.

READ MORE:  Pergalan ni Jessica sa Dasmariñas, Cavite

Inspeksiyonin mo lahat Gen. ROMERO, kahit barangay hall pa ‘yan. Kailangan siguraduhin mong ligtas ang mga residente at establisyemento d’yan sa area na ‘yan  lalo’t naghahanda na ang mga kababayan natin para sa Holiday season.

Before it’s too late!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved