Friday , April 26 2024

Magiging hilaw ang ensayo ni PacMan?

MALAPIT na ang Barangay election.  Kanya-kanya nang pormahan ang mga tatakbo.

Sa aming lugar sa Lico St. (Bgy 210), nagkakaisa ang mga oposisyon na pumili na lang ng isang panlaban kontra sa kasalukuyang nakaupong chairman.

One-on-one ang laban.

May dapat na ikakaba ang nakaupong Punong Barangay dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama-sama ang mga residente mula sa dulo, gitna ng Lico St., Pamana, Anacleto at iskinita na kung saan tayo nakatira, para ipanlaban ang napagkaisahan at  napiling  kandidatong si JON JON ROSAL.

***

Medyo nakakabagabag ang isinulat  ni Manny Pinol sa PhilBoxing.com na lumabas nitong Linggo.

Ayon sa kanya, punung-puno raw ng distraksiyon ang unang bahagi ng traning ni Manny Pacquiao sa GenSan.

Unang distraksiyon ay ang hindi pagsipot ng kanyang inisyal na sparring partner na si South Korean junior welterweight Min Wook-Kim sa Pilipinas na dapat ay dumating na nitong Miyerkoles.

Nagkaroon daw ito ng problema sa kanyang manager.

Isa pang malaking problema ni Manny ay ang parating na Barangay election.  Balitang dinudumog siya ng mga kandidatong taga Saranggani province para humingi ng financial support para sa kanilang kandidatura.

Ayon pa sa report, masyado nang naiistorbo si Pacquiao na kahit na gabing-gabi ay meron pa ring mga bisita sa kanyang mansion sa GenSan.

Oops.  Nakakakaba nga.   Krusyal at kritikal kasi ang magiging laban niya kay Bam Bam Rios sa Nobyembre.  Dito nakasalalay ang kanyang boxing career kung susulong o uurong na.

Aba’y hindi dapat maging hilaw ang kanyang kabuuang ensayo.

Alex Cruz

About hataw tabloid

Check Also

1st CNES Chess Tournament

1st CNES Chess tourney sa Mayo 11 na

Manila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the crop …

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *