Wednesday , May 1 2024

Zambo police chief humakot ng ‘suko’ mula sa MNLF (Akala ay hostage)

LIGTAS na nakalabas sa pugad ng Moro National Liberation Front (MNLF) si Zamboanga City police chief, Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, sinasabing binihag ng mga rebelde, kasama ang 23 sumukong MNLF fighters.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, nagawang kombinsihin ni Malayo ang 23 MNLF fighters na sumuko na lamang.

“I am pleased to inform you that Zambo City director Senior Superintendent Chiquito Malayo has successfully convinced 23 MNLF fighters to come into the fold of the law. He and the 23 are en route back from Brgy. Mampang being escorted by Regional Director, Chief Superintendent Boy Vano,” pahayag ni Roxas sa text message.

Si Malayo ay nakitang lulan ng coaster kasama ng MNLF members.

Ayon sa pahayag ng Philippine National Police (PNP), nakipagnegosasyon si Malayo para sa pagpapalaya sa mga hostage sa mangrove area sa Brgy. Mampang sa Zamboanga City nang isama ng mga rebelde.         (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Navotas

Navotas magpapatupad ng bagong oras sa trabaho

MAGPAPATUPAD ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng bagong iskedyul ng oras sa trabaho simula 2 …

gun shot

Nurse, 1 pa todas
SENGLOT NA SEKYU SUMEMPLANG 2 TUMULONG PINAGBABARIL

ISANG nurse at isang pang lalaki ang namatay sa pamamaril ng lasing na rider, nang …

road accident

7-anyos, nanay, 1 pa patay, 17 sugatan sa bus na nawalan ng preno

PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang 7-anyos na batang babae, ang kanyang nanay, at …

Las Piñas KALINISAN Bagong Pilipinas clean-up drive

Las Piñas nagsagawa ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas clean-up drive

INILUNSAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamahalaang lungsod ng Las …

050124 Hataw Frontpage

Naririnig ko lang na may perks… pero hindi itong MLM scheme – DOH chief
BELL KENZ TUMANGGING SANGKOT SA MULTI-LEVEL MARKETING

ni Niño Aclan ITINANGGI ng kompanyang Bell Kenz Pharmaceutical, Inc., ang akusasyon na sangkot sila …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *