Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Utang ng PH P7 trillion na

Utang ng PH P7 trillion na

UMAABOT na sa P7.3 trillion ang consolidated public sector debt ng Filipinas.

Sa plenary debate sa budget, iniulat ng Department of Finance (DoF) kay House appropriations committee vice chairman Luigi Quisumbing.

Nabatid na kasama  rito ang utang ng government owned and controlled corporations (GOCC) at local government units (LGUs).

READ MORE:  Ama pinatay sa taga ng anak (Pananakit sa ina ‘di nakayanan)

Sa P7.3 trillion, nasa P5.8 trillion ang pagka-kautang ng national government.

Para sa taon 2014, P793 billion ang ibabayad ng Filipinas sa principal at interest ng utang ng bansa.

READ MORE:  Utol ng VM, 2 pa tiklo sa pot session

Tumaas ang pondo sa debt servicing kompara sa P720 billion noong 2012, at P767 billion ngayon 2013.

Dahil dito, pinayuhan ni House Minority Leader Ronaldo Zamora ang Aquino administration na pagtuunan ng pansin ang fiscal at financial discipline.

READ MORE:  Korupsiyon lalong lumala

Sinabi naman ni Abakada party-list Rep. Jonathan dela Cruz, kung hindi aayusin ng pamahalaan ang paghawak sa pondo ng bansa ay malabong makaahon pa sa pagkakalubog sa utang.

(BETH JULIAN)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved