Saturday , April 27 2024

Buena Fortuna nataranta ang nagdala

Narito ang karagdagang gabay ninyo na aming nasilip nitong Lunes sa pista ng SLLP. MAYUMI – masusubukan na ang kanyang taglay na kundisyon sa susunod na laban niya. BUENA FORTUNA – tila nataranta ang nagdala sa huling 150 metro ng laban. PALAKPAKAN – abangan pagbaba sa grupo ng CD-1C.  BLUE MATERIAL – sakto at sukat ang remateng nagawa sa kanya ni Ayie Tancioco.

HIEROGLYPHICS – huwag basta iiwan hanggat nasa kamay ni Bornok Borbe Jr. TAIL WIND – medyo hindi sila tugma nung nagdala sa kanya. IMMACULATE – halos pameta na lamang inabutan. HOT – sa parada pa lang ay negatibo na. SHOEMAKER – animo’y nasa isang shoe expo lang na naka-display.

UNICA CHAMP – nakasolong taga ng laban. POT POT’S LOVE at VICE EDWARD – animo’y mga nasa barrier trial lang sumali. CLASSIC PLAY – napabor ang ikli ng distansiya, solo ayre at lamig ng panahon. Congrats kay Sir Wilbert T. Tan. BEST GUYS – medyo malayo ang pinanggalingan at nasegunda pa. STATE OF THE ART – tila nauupos pagsungaw ng rektahan. QUEEN RAMFIRE – nagmistulang reyna sa grupo na inalalayan sa likuran.

MISTAH – tila nanakit ang likuran sa maraming talbog na inabot niya sa nagdala. HOT MOMMA – mas iba talaga ang kilos niya kapag sa pista ng Sta. Ana Park. SEMPER FIDELIS – nakatagpo rin ng laban na pabor sa kanya kabilang ang hineteng sumakay, kaya malayong nanalo. ANDALUCIA – tila may inaabangan na tamang pagkakataon ang isang ito.

SANGANDAAN – gamay talaga ni Mark Alvarez. DOCTOR CHOICE – malapit ng gamutin ulit ang ating mga bulsa. VERGARA – isama lang palagi at nasa diskarteng palaban siya.

Fred Magno

About hataw tabloid

Check Also

1st CNES Chess Tournament

1st CNES Chess tourney sa Mayo 11 na

Manila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the crop …

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *