Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Sec. Ricky Carandang umaastang abogago ‘este abogado ni PNoy

Sec. Ricky Carandang umaastang abogago ‘este abogado ni PNoy

00 Bulabugin
ANG LUPIT mo talaga Secretary Ricky Carandang.

Ngayon ka pa nag-aastang ‘ABOGADO’ ni Pangulong Noynoy  kung kailan naglabasan na ang mga retratong magkasama sila ni Janet Lim Napoles at anak na si Jeane.

Ginawa n’yo pang parang loro si PNoy nang sabihin  na hindi niya kilala si Napoles at wala umano siyang natatandaan na nagkita sila sa isang okasyon.

READ MORE:  Namamayagpag na ‘corruption’ sa barangay walisin nang tuluyan

‘E NABOKYA … naglabasan pa ‘yung ibang photo ni PNoy at Napoles …at para hindi na sila mapahiya, ay mismong palasyo na ang nagpalabas ng retrato.

READ MORE:  Paano natakasan ng puganteng koreano ang ISAFP?!

Tsk tsk tsk … nakahihiya talaga kayong mga taga-Palasyo.

Ang laki ng mga sweldo ninyo d’yan, pero hindi ninyo magawang proteksiyonan ang imahe ng Pangulo?!

Aba magpakita naman kayo ng galing!

READ MORE:  Paihi ni Boyoy sa Candelaria Quezon (ATTN: NBI-Quezon & CIDG Pro-4)

Nagiging aboga-abogadohan lang kayo kapag nabobokya ang Pangulo ‘e.

MAGTRABAHO kayo nang maayos oy!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved