Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P1.2-M gadgets, cash nakulimbat

P1.2-M gadgets, cash nakulimbat

UMABOT  sa P1.2 milyon halaga ng pera at mga gadgets ang nasimot ng hindi pa nakikilalang suspek na nanloob sa isang 2-storey apartment sa Pandacan, Maynila kamakalawa ng hapon  .

Nabatid kay SPO1 Michael Dingding ng Manila Police District – Station 10, nilooban ang apartment ng biktimang si Analiza Guevarra, 43, negosyante na matatagpuan sa 2524 Beata St., Pandacan, sa pagitan ng alas 12:30 ng tanghali hanggang alas 3:30 ng hapon kung kailan walang tao sa bahay.

READ MORE:  MIAA handa na sa Papal visit

Ayon kay Guevarra, inutusan umano niya ang kanilang family driver na si Dominador Egos na kumuha ng payong dakong alas-3:30 ng hapon para dalhin sa Ace John Hardware na nasa panulukan ng Beata at Sto. Niño streets.

”Inutusan ko ang driver namin na kumuha ng payong bago niya sunduin ‘yung anak ko sa school tapos sabi ko bumalik agad. Pagbalik niya sabi niya pinasok daw ang bahay namin,” ani Guevarra.

READ MORE:  3 Indonesian sailors hawak ng Abu Sayyaf — Indonesia (Dinukot nitong Sabado)

Sa salaysay ng drayber, nakabukas umano ang steel front door ng bahay at ang “improvised” na kawit na nagsisilbing kandado ay natanggal sa pagkakakawit sa steel door, maging ang second door ng bahay ay nakabukas din at nagkalat na ang mga libro sa gawi ng pintuan nang pumasok sa loob ng bahay.

READ MORE:  PhilHealth ‘matagal’ nang isinumbong kay Digong (Iregularidad sandamakmak)

Kabilang sa mga natangay ang tatlong tablet (Samsung, 2 Lifer), dalawang laptop (MSI, Acer), isang Apple Ipad, P800,000 halaga ng pera, hindi kukulangin sa US$ 600, apat na Security Banks Passbooks, isang ATM card, SSS ID, TIN ID at Postal ID.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang posibleng pagkakakilanlan ng suspek.

(Leonard Basilio)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved