Friday , April 26 2024

VIP pa rin si Napoles

TALAGA nga naman ang nagagawa ng kuwarta. Kahit sa kulungan, ang isa sa pinakamalaking mandarambong (allegedly) ay naka-aircon pa at kontodo guwardiya. Namputek talaga. Pero kung snatcher lang ‘yan si Janet Lim-Napoles baka nai-salvage na. ‘Yan ang justice system sa kawawa kong bayang Pinas. Kapag may pera, mahalaga ka. Kapag ordinaryong magnanakaw ka lang, maghanda ka na sa lamay mo. Well, may magagawa pa ba tayo? Meron naman siguro. Pero ang nakapagtataka dito, mga kanayon, nakakulong si Napoles hindi po dahil sa kaso ng Priority Development Assistance Fund or pork barrel kundi dahil sa nakasampang kaso ng SERIOUS ILLEGAL DETENTION sa kanya. Tama po ba? Ibig sabihin, kailan ba talaga magsasampa ng kasong plunder laban sa kanya at sa mga kakutsaba niyang senaTONG at TONGresman? May magdedemanda kaya? O Baka naman gagamitin lang si Napoles para wasakin ang hanay ng oposisyon? Dangan kasi, wala na halos maipangtapat kay Vice President Jejomar Binay ang Liberal Party sa 2016. Malaks din si Jinggoy Estrada, Bong Revilla at iba pang nasa oposisyon. Kaya ngayon pa lang kontodo atake na ang adminsitrasyon.

Pero sa kabilang dako naman, maganda na rin at nabulgar ang katarantaduhan sa likod ng PDAF. Saan nga ba naman babawiin ng mga HONORABLE lawmakers natin ang daan-daang milyong pisong inuubos nila sa halalan? Aber! Hulaan nga ninyo! Sa suweldo ba nila? Sa negosyo? Malabo, hindi po ba? Kaya, mga kanayon, isipin ninyo lagi na sa bawat vote buying, sa bawat salaping tinatanggap ninyo mula sa mga kandidato ‘e bilyon pala ang nagiging kapalit.

Matagal nang modus operandi ang diskarte na ‘yan sa PDAF. Pasalamat na rin tayo at may isang Noynoy  na sumeryoso laban sa corruption sa pork barrel.

Kabi-kabila ang mga propaganda ngayon. Dapat na maging mas mapanuri tayong lahat. Hindi lahat ng nakikita o nababasa ay totoo. Karamihan diyan ay pinondohan ng mga interes na nasa likod ng propaganda.

Hindi ako nangangamba sa pagtrato ng Malakanyang kay Napoles. Mas kinakabahan ako sa kamandag ng PERA niya. Kung saan kumapit ang salapi ni Napoles, nagiging MASAYA.

At ngayon alam ko na kung bakit HAPPY SI SEN. JOHNNY ENRILE. He-he. At si Jinggoy naman. Sobra ang galit kay nasirang Gen. Angelo Reyes noon. ‘Yun pala, mas MALALA siya. Ha-ha-ha.

Gayahin kaya niya si Angie?

Joel M. Sy Egco

About hataw tabloid

Check Also

Diego Loyzaga Coleen Garcia Mac Alejandre

Coleen ‘bumigay’ kay Diego

I-FLEXni Jun Nardo ORIGINALLY for VivaMax ang pelikula ni direk Mac Alejandre na Isang Gabi na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga at Coleen Garcia. Eh …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Mic Singing

Concert ng ilang artists postponed

MAY mga nagtatanong. Bakit daw kaya postponed ang concert ng ilang artists natin sa ngayon? …

EAT TVJ

Eat Bulaga ng TVJ kumita agad ng P1-B sa loob lamang ng 3 buwan

HATAWANni Ed de Leon UY nakatatawa, kasi inilabas ng TVJ ang katunayan na ang Eat Bulaga sa bago nilang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *