Friday , April 26 2024

Pauleen, feeling Mrs. Sotto sa paglalako sa anak ni Maru

DRESSED IN V-shaped white shirt     and faded maong shorts at naka tsinelas, parang extension ng bahay ni Pauleen Luna ang malaking studio ng GMA.

Itinaon niyang live airing ‘yon ng Startalk, bitbit ang isang folder na naglalaman pala ng portfolio ni Mara Sotto, anak ni Maru at pamangkin ng kanyang nobyong si Bossing Vic. Matagal na palang nasa pag-iingat ni Pauleen ang folder na ‘yon, na parang paninda niyang inilalako si Mara na aniya’y mahusay daw mag-host.

Natural, hindi pinaligtas ng kanyang manager na si Lolit Solis ang sorpresang pagdalaw ng alaga. ”O, feeling mo, ikaw na si Mrs. Sotto?” bungad agad ni ‘Nay Lolit. Sagot naman ni Pauleen, ”At least, nakatutulong naman ako sa kapwa ko.”

Walang limang minuto ang itinagal ni Pauleen sa studio, bigla tuloy namin naalala ang artikulong lumabas noong Sabado ring ‘yon sa isang tabloid. Interview ‘yon kay Dina Bonnevie who, in fairness, was quoted to have said nice words for Pauleen.

“Bakit, anong sabi niya?” tanong ni Pauleen who gave us a quizzical look. Sabi namin, maganda naman, nothing really foul.

Obvious na hindi pa rin kumbinsido si Pauleen, much less interested to grab a copy of the tabloid para basahin ang mga tinuran ni Dina.

“Napanood ko kasi ‘yung interview niya sa ‘The Buzz,’ eh. Hindi ko nagustuhan. Hayaan mo na lang siya,” nakangising pamamaalam niya sa amin.

Dina’s reference to Pauleen in any interview cannot be helped, may masasabi at masasabi si Dina sa kasalukuyang girlfriend ng kanyang ex-husband.  And it can be Pauleen or anybody.

Besides, showbiz knows Dina Bonnevie well enough. She doesn’t mince words kesehodang may matatamaan. Kung kay Gretchen Barretto rin lang naman who’s press-unfriendly, dito na kami sa half-Filipino, half-Swiss actress.

‘PDAF’ umani ng maraming awards

(BABALA: PRODUKTO o figment of imagination lang ng manunulat na ito ang inyong mababasa, nasa inyo ang panghuhusga).

ISANG indie movie ang umani ng maraming parangal sa katatapos lang na Puwedeng Dakilain Ang Filipino (PDAF) awards.  Bukod kasi sa mga tinamo nitong tropeo sa iba’t ibang kategorya ay napili rin itong opisyal na kalahok ng bansa sa SCAM-dinavian International Film Festival.

Makakakompitensiya ng ating official entry ang mga pelikulang gawa sa Norway, Sweden, at Denmark, at maging ang Ireland na sakop ng Scandinavian Peninsula.

Kuwento ito ng isang nakapiit na umano’y utak ng pork barrel scam na nagkamal ng bilyon-bilyong piso mula sa mga idineklarang pekeng NGO sa pakikipagkuntsaba sa ilang mga mambabatas.

Dahil nakabilanggo, tinanggalan siya ng karapatang makipagkomunikasyon sa kanyang pamilya, mga kaibigan at mga kakilala sa pamamagitan ng cellphone.

However, ang konstitusyonal na karapatang-pantao ay hindi naman ipinagkait sa naturang preso. Sa pamamagitan kasi ng pluma o ballpen ay magagamit niya ito para lumiham sa mga taong nais niyang paratingan ng kanyang mga saloobin.

Masalimuot ang kuwentong nakapaloob sa indie film na ito, na palibhasa’y for international release ay sinadyang gawing Ingles ang pamagat nito para sa foreign audience.

Ang title: PEN AT SOLEMN JAIL.

If jumbled:  JANET LIM NAPOLES.

Ronnie Carrasco III

About hataw tabloid

Check Also

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak at Barbie ‘di tamang pinaghihiwalay

HATAWANni Ed de Leon UNFAIR naman iyang sinasabing sana tuluyan nang magkahiwalay sina Barbie Forteza at Jak Roberto. …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nagsisi nang magpagupit ng buhok sa ibang bansa

MATABILni John Fontanilla MUKHANG pinagsisihan ni Maine Mendoza ang ginawang pagpapagupit ng buhok na maiksi sa ibang …

GMA The Boys of Summer

Boys of Summer palaban sa ganda ng katawan at sex appeal

KUNG mayroong Sparkle 10 ladies na super display ng kanilang magaganda at seksing mga katawan, matindi rin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *