Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Manalo unang Pinoy na umakyat sa World Pool

Manalo unang Pinoy na umakyat sa World Pool

Si Veteran campaigner Marlon Manalo ang first Filipino na nag-qualify sa isa sa 12 qualifying event ng World Pool 9-Ball Championship na ginanap sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar nitong Martes.

Si Manalo, chairman ng Barangay Malamig sa Mandaluyong City ay tinalo si Jasen Al Hasawi ng Kuwait, 7-6, sa finals.

“I hope to perform well in the World Pool main draw,” sabi ni Manalo na nanatiling nasa tamang kondisyon dahil na din sa kanyang daily practice routine sa kanyang pag-aaring pool hall sa Talumpung, Mandaluyong at sa famous Star Billiards Center sa Grace Village, Quezon City ni long-time sports patron Sebastian “Baste” Chua.

READ MORE:  Kapatid ni Baldwin kritikal — Villavicencio

Una rito ay tinalo ni Manalo sina Sultan Alfalih ng Kingdom of Saudia Arabia, 7-0, sa pre-quarters;  compatriot Demosthenes Pulpul, 7-5, sa quarters;  at Mohammad Ali Hassan ng Kingdom of Saudia Arabi, 7-0, sa semis.

READ MORE:  Ginebra kukuha ng Koreanong import

Nakaabante si Manalo sa 128 player field main draw ng World Pool 9-Ball Championship para makasama ang mga Filipino seeded players gaya nina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante, Dennis Orcollo, Lee Vann Corteza, Carlo Biado, Jeffrey de Luna, Israel Rota at Antonio Gabica,  national coach ng Qatar.

READ MORE:  Pugad Lawin dinagit muli si Hagdang Bato

Si Manalo ay nakilala sa tawag na  “ Marvelous Captain” dahil mataas na kalidad na ipinakita niya sa lokal at internasyonal na kompetisyon.

Ang 2013 World 9-Ball Championship ay suportado ng Qatar Olympic Committee (QOC) at co-sponsors ng Simonis (cloth), na inorganisa ng Qatar Billiards & Snooker Federation (QBSF) at sanctioned ng World Pool-Billiard Association (WPA) at Asian Pocket Billiard Union (APBU).

(Lovely Icao

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved