Saturday , April 27 2024

Liban ng SK polls aprub

TULUYANG nakalusot sa committee level ng Senado ang panukalang batas na naglalayong ipagpa-liban muna ang Sangguniang Kabataan (SK) elections na kasabay sana ng barangay elections sa darating na Oktubre 28.

Ayon kay Senate committee on local government chairman Sen. Bongbong Marcos, irerekomenda niya sa plenaryo ang pagpapaliban ng SK elections sa loob ng isang taon o gaganapin sa Oktubre 28, 2014.

Batay sa ginawang public hearing ng komite ni Marcos na dinaluhan ng mga opisyal mula sa local government units (LGUs), lumalabas na maraming pumapabor na ipagpaliban muna ang naturang halalan.

Layunin ng pagpapaliban ng SK elections ay hindi para tuluyang buwagin ang konseho kundi upang maisulong ang reporma sa Sangguniang Kabataan.

Ayon kay Marcos, irerekomenda niya na bago ang Oktubre 2014, dapat may mapagtibay nang reporma sa SK upang maidaos ang halalan sa naturang petsa.  (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *