Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang pagsuso ni Pete sa dibdib ng animal na may sungay (Part 12)

Ang pagsuso ni Pete sa dibdib ng animal na may sungay (Part 12)

NAPAG-USAPAN SA LOOB NG SASAKYAN ANG PAGTAKBO MULI NI CONG. ROJOVILLA

 

Kabilang sa naging paksa nila ang pagtakbo ni Congressman Rojovilla sa pagka-gobernador sa darating na eleksiyon.

“E, sa’n ba’ng punta natin?” usisa niya kay Dodong.

“D’yan lang…”

Tumigil ang sasakyan nila ni Dodong sa isang quarry site sa harap ng nakaparadang backhoe. Halos nasa gilid na sila ng isang lampas-baywang na hukay. Dalawang malalaki at matitipunong lalaki ang sumalubong sa kanila. Pinagbuksan siya ng pintuan ng Expedition ng isa sa dalawang lalaki, at ang isa naman ay tila-umalalay sa pagbaba niya roon.

READ MORE:  Ang Zodiac Mo

“Si Cong? Nasa’n si Ninong?” ang maagap niyang naitanong sa mga lalaking dinatnan sa lugar na hukayan ng mamahaling klase ng marmol.

READ MORE:  Tent nakasabit ng punong-kahoy

Sinenyasan siya ni Dodong na maghintay. Pagkaraa’y may tinawagan ito. Naka-loud speaker ang cellphone nito nang sumagot ang nasa kabilang linya. Nabosesan agad ni Pete si Congressman Rojovilla.

READ MORE:  Mahina sa sex

“Bitbit mo na ba?”

“Yes, Sir…”

“’Tangnang ‘yan… ‘Yan ang dahilan kaya sinakote ng PDEA ang pinakamalaki kong dealer … ‘yung chairman sa kanilang barangay. Pati shabu lab, nadiskubre din sa kangangawa n’yan. At si General Palpalatoc na protector ng business ko, floating ngayon…”

(Subaybayan bukas)

Rey Atalia

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved