Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 32 sugatan sa aksidente sa Skyway at EDSA

32 sugatan sa aksidente sa Skyway at EDSA

UMABOT sa  32 pasahero ang sugatan nang sumalpok ang sinasakyan nilang bus sa harang ng toll plaza sa northbound lane ng Skyway sa Alabang, Muntinlupa City, at sa aksidente sangkot ang dalawang bus sa Edsa, kahapon ng  umaga.

READ MORE:  P12-M smuggled onions nasabat sa Manila Port

Isinugod agad sa pinakamalapit na pagamutan dahil sa mga sugat at galos sa katawan ang mga pasahero at hawak na ng Philippine National Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang driver ng Green Star Bus na si Rommel Reyes, na posibleng makasuhan ng reckless imprudence resulting in damage to property at multiple physical injuries.

READ MORE:  Ama arestado sa rape sa 16-anyos anak

Samantala, bumangga naman ang Royal Bus sa sinusundang Golden Bee Bus na ikinasugat ng 11 pasahero sa southbound lane ng EDSA-Estrella sa Makati City.

READ MORE:  Multa sa kolorum ng LTO money making — PISTON

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Makati Rescue Team na nagdala sa mga pasahero sa Ospital ng Makati.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top