Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / 1602 Lotteng/Bol-Alai at Bookies tuloy pa rin sa Maynila!!! (Gising Gen. Isagani Genabe!)

1602 Lotteng/Bol-Alai at Bookies tuloy pa rin sa Maynila!!! (Gising Gen. Isagani Genabe!)

00 Bulabugin
Ang utos ni MAYOR ERAP ESTRADA, no-take policy ang kanyang administrasyon lalo na sa mga ilegal na sugal.

Hindi nga ba ‘yan ang isa sa mga dahilan kung bakit siya na-impeach bilang Panggulo ‘este’ Pangulo noon dahil tumanggap siya ng jueteng money.

Pero Yorme Erap sir, bakit tila hinahamon ng mga 1602 operators ang iyong paboritong linya na “HUWAG n’yo ako SUBUKAN?!”

READ MORE:  “One Dream” one goodbye to your money

LARGADO ngayon ang lahat ng klase ng ILLEGAL GAMBLING sa Maynila gaya ng mga sugal lupa na lotteng, video karera, bol-alai at ang talamak na bookies dahil umano sa isang tongpats na opisyal sa City Hall.

Isa raw respetadong abogago ‘este’ abogado sa City Hall ay nagagamit na pamato o bandera sa mga pangkabuhayan!?

Sonabagan!!!

READ MORE:  DOTr Secretary Art Tugade sa Kapihan sa Manila Bay bukas

Humahataw pa rin ang bookies nina TATA PAKNOY at EDNA/ENTENG na tumawid na sa A.O.R. ng MPD PS-7.

Si KABO OBETLOG IGNACIO ang may palatag ng bookies at lotteng malapit sa RILES sakop ng PS-7.

Si KABO LOLOY naman ang may palatag ng mga butas ng bol-alai na ang kObransa ay nakatago sa loob ng palengke malapit sa Blumentritt PCP.

READ MORE:  SILG Mar Roxas, Gen. Garbo, Gen. Francisco Uyami kinakaladkad ni alias Allan Aspileta sa mga ilegalista

O MPD DD Gen. Genabe, libreng IMPORMASYON na ‘yan para sa ‘yo.

Baka napaIikutan ka na ng ilang bata mong tulisan at magamit ka pa sa pataas-tara ng mga ‘yan!

Galaw-galaw General!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved