Friday , April 26 2024

2 pulis, 6 scalpers arestado sa QCPD (Ticket sa Ateneo-La Salle match overpriced)

DALAWANG pulis-Kyusi at anim na ticket scalpers o nagbebenta ng tiket sa sobrang mahal na presyo para sa Game 3 ng UAAP Season 80, ang inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa bisinidad ng Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang inarestong mga pulis ay sina SPO4 Rudy Bala at SPO4 Reynaldo Frias, kapwa nakatalaga sa Cubao Police Station 7.

Habang ang dinakip na mga sibilyan ay sina Romeo Panopio, Maximo Dayandante, Michael Segismundo, Almer Mercado, Artemio Comon, at Faustino Valenzona.

Nitong Linggo, dakong 3:00 pm, nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng District Special Operational Unit (DSOU) makaraan makakuha ng impormasyon na nagka­lat ang mga scalper sa lugar para sa laban ng Ateneo Blue Eagles at De La Salle Green Archers.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip sa walong suspek, kabilang ang dalawang pulis.

Ayon kay Senior Inspector Paterno Domon­don, ang patron seat na P450 ang halaga ay ibinebenta sa presyong P6,000, habang ang Standing Room Only ticket na P350 ang presyo, ay ibinibenta sa ha-lagang P1,500.

Paliwanag ng mga suspek, suma-sideline lang sila kaya nila sinamantala ang pagkaka-taon na kumita dahil alam nila na kahit anong mahal ng ticket ay papatusin ito ng diehard UAAP fans. Hiyang-hiya ang dalawang pulis sa kanilang ginawa at humingi ng paumanhin. Itinanggi nilang may kasabwat sila sa loob kaya nila nagagawang pumakyaw ng mga ticket.

Mahaharap ang walo sa paglabag sa City Ordinance 493 o Anti-Scalping na may katapat na piyansang P2,000.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *