Friday , April 26 2024
Rastafari Daraliay Wushu Taolu athlete
Rastafari Daraliay Wushu Taolu athlete

11-anyos PH Wushu Taolu athlete nahulog sa kama patay

BINAWIAN ng buhay ang isang 11-anyos Wushu Taolu junior athlete at miyembro ng Philippine team, nang mahulog mula sa tinu­tulugang double deck sa Philippine Center for Sports Medicine Buil­ding, Rizal Memorial Sports Complex sa P. Ocampo St., Malate, Maynila, kamakalawa.

Isinugod sa Adven­tist Medical Hospital ngunit nalagutan ng hininga ang biktimang si Rastafari Daraliay, resi­dente sa Block 7, Lot 7, Happy Homes, Phase 2, Tandang Sora, Quezon City.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) – Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 3:00 am natutulog ang biktima sa upper deck ng kama sa Room 8 nang bigla siyang mahulog.

Base sa salaysay ng kasamahang atleta, na­gulat siya nang marinig ang isang malakas na kalabog at nang alamin kung ano ang nangyari ay nakitang nakahandusay sa lapag ang biktima.

Hindi inakalang ma­tindi ang naging pinsala sa nangyari kaya tinu­lungan na lamang nila ang biktima na makahiga sa mas mababang higaan at saka ipinagpatuloy ang pagtulog.

Dakong 8:00 am ay isinugod sa pagamutan ang biktima nang maki­tang bumubula ang kan­yang bibig.

Agad inasikaso ng mga doktor ang biktima at nilunasan ngunit bigo silang maisalba ang kan­yang buhay.

Nagsasagawa ng ma­su­sing imbes­tiga­s-yon ang pulisya upang masi­gurong walang nangya­ring foul play  sa insidente.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

dead

SHS student natagpuang lumulutang na sa ilog

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang estudyante na palutang-lutang sa ilog sa …

PNP PRO3

Sa 24-oras crackdown ops ng PRO3 higit P6-M droga nasamsam

NAGBUNGA ang maigting na kampanya ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga nang madakip …

Drug den binaklas ng PDEA maintainer, 3 galamay timbog

Drug den binaklas ng PDEA maintainer, 3 galamay timbog

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang makeshift drug den …

dead prison

3 PDL tumakas sa provincial jail, 2 todas sa ambus, 1 sugatan

PATAY ang dalawang persons deprived of liberty (PDL) habang sugatan ang isa pa, pawang tumakas …

042624 Hataw Frontpage

Live-in partners pinagbabaril sa kuwarto, babae patay

PATAY ang 39-anyos ginang habang sugatan ang kaniyang live-in partner nang pagbabarilin habang natutulog sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *