Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 11-anyos PH Wushu Taolu athlete nahulog sa kama patay
11-anyos PH Wushu Taolu athlete nahulog sa kama patay

11-anyos PH Wushu Taolu athlete nahulog sa kama patay

BINAWIAN ng buhay ang isang 11-anyos Wushu Taolu junior athlete at miyembro ng Philippine team, nang mahulog mula sa tinu­tulugang double deck sa Philippine Center for Sports Medicine Buil­ding, Rizal Memorial Sports Complex sa P. Ocampo St., Malate, Maynila, kamakalawa.

Isinugod sa Adven­tist Medical Hospital ngunit nalagutan ng hininga ang biktimang si Rastafari Daraliay, resi­dente sa Block 7, Lot 7, Happy Homes, Phase 2, Tandang Sora, Quezon City.

READ MORE:  2 snatcher bulagta sa MPD cops

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) – Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 3:00 am natutulog ang biktima sa upper deck ng kama sa Room 8 nang bigla siyang mahulog.

READ MORE:  Bakit namamayagpag ang saklaan sa Tondo MPD DD Gen. Jigz Coronel?!

Base sa salaysay ng kasamahang atleta, na­gulat siya nang marinig ang isang malakas na kalabog at nang alamin kung ano ang nangyari ay nakitang nakahandusay sa lapag ang biktima.

Hindi inakalang ma­tindi ang naging pinsala sa nangyari kaya tinu­lungan na lamang nila ang biktima na makahiga sa mas mababang higaan at saka ipinagpatuloy ang pagtulog.

READ MORE:  Disqualification case inihain ni Lim vs Erap (Proklamasyon ipinakansela)

Dakong 8:00 am ay isinugod sa pagamutan ang biktima nang maki­tang bumubula ang kan­yang bibig.

Agad inasikaso ng mga doktor ang biktima at nilunasan ngunit bigo silang maisalba ang kan­yang buhay.

Nagsasagawa ng ma­su­sing imbes­tiga­s-yon ang pulisya upang masi­gurong walang nangya­ring foul play  sa insidente.

(BRIAN BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved