Monday , March 25 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Winwyn Marquez hindi makapaniwala na leading lady material sa Regal Entertainment
Winwyn Marquez hindi makapaniwala na leading lady material sa Regal Entertainment

Winwyn Marquez hindi makapaniwala na leading lady material sa Regal Entertainment

Sina Mother Lily at Ma’am Roselle Monteverde ang unang nagtiwala kay 2017 Miss Reina Hispanoamericano Winwyn Marquez para maging leading lady sa pelikula nila ni Vhong Navarro na “Unli Life” na tumipak sa takilya at ngayo’y bida na sa Valentine movie na “Time & Again” katambal si Enzo Pineda.

At kahit lead actress na, hindi pa rin makapaniwala si Winwyn na leading lady material na siya ngayon sa Regal Entertainment, Inc.

“Parang hindi pa rin nagsi-sink sa akin, actually. Parang laun­ching movie (Time & Again) kasi. ‘Yung story ay umiikot kay Apple (character niya sa movie). I never thought I’d watch myself on the big screen. Hindi ko alam na mabibigyan ako ng ganoong oppurtunity,” paliwanag ni Winwyn sa grand presscon ng movie nila ni Enzo na ginanap sa 38 Valencia Events Place.

Nang matanong about sa working relationship nila ni Enzo kung paano katrabaho ang Kapamilya actor na dati niyang kasama sa Kapuso network?

“I’ve known Enzo for nine years, since I started showbiz. Sabay kaming nag-showbiz,” sabi ni Winwyn.

Dagdag ng morenang actress, “Sobrang saya kasi it’s so much easier to act when you’re with someone you’re comfortable with, you know. Wala talagang ilangan. Madali kaming mag-communicate. Magtitigan lang kami alam na namin ‘yung gagawin. It’s such a smooth sailing shooting.

“Sana makita nila ang chemistry, kasi kami ni Enzo naramdaman namin,” pa­hayag ng dalaga na ikinu­wento kung ano ang magiging character sa Time & Again nila ni Enzo.

“Siya ‘yung no boy­friend since birth. Siya ‘yung hindi naniniwala sa pagkakaroon ng boyfriend. And she has her own bubble. Kasi writer din siya. ‘Yung mga nai-imagine niya, isinusulat lang niya. ‘Yun lang ‘yung reality lang niya. Then one day, si Cupid biglang tinamaan siya kay Enzo o Ozzi, doon nag-start ‘yung story.”

Ini-reveal din ng actress, kung gaano kaimportante ang plot o tema ng movie nila ni Enzo sa Regal Entertainment,

“If  bibigyan ka ng chance to go back in time, ang question doon, bakit babalik na in time?”

Sobrang exciting sa kanyang role dahil hindi pa niya naipo-portray sa kanyang past movies.

“Ngayon lang ako gumanap sa ganoong klaseng role, na hindi made up. Lagi akong kontrabida.

“Dito it’s special because very deep siyang mag-isip and she’s a normal girl. It’s very different, very mellow lang siya. Napaka-millennial at hindi ko pa nagagawa ‘yon,” pagtatapos ni Winwyn na umaming single sa presscon at hiwalay na sa boyfriend si Mark Herras.

Pero no third party daw na involve sa split-up nila ni Mark.

Si Direk Joey Reyes ang director ng Time & Again na palabas sa 20 Pebrero sa cinemas nationwide. Para sa more updates, follow Regal Entertainment, Inc on Facebook and Youtube, @RegalFilms on Twitter, @RegalFilms50 on Instagram.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top