Friday , April 19 2024

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive )(Part 2)

TUTOL SI MARIO SA WELGA DAHIL MAHIRAP ANG MAWALAN NG TRABAHO KAYA’T UMUWI NA SIYA

Teng, teng, teng, teng-teng! Ang mataginting na tunog ng takip ng kalderong tinutuktok-tuktok.

Blag, blag, blag, blag-blag! ang lagapak ng lata ng tinapay na tinatambul-tambol.

Bog, bog, bog, bog-bog! ang kalabog ng konteyner ng tubig na kinakalabog-kalabog.

Unang araw ‘yun ng pag-aaklas ng mga manggawa laban sa manedsment ng pabrika.

Bitbit ang bag na lalagyan ng baunan at pamalit na damit pangtrabaho, pag-ibis sa sinakyang traysikel ay ‘yun na ang dinatnan niyang senaryo. Bigla siyang napaatras sa paghakbang. Itinuloy din pala ng kanilang unyon ang pag-aaklas, ang agad sumaisip niya.

Noong una pa man, tutol na si Mario sa plano ng kanilang unyon na mag-aklas. Hindi madaling makakita ng mapapasukan, natakot siyang mawalan ng hanapbuhay. Hindi siya nakisangkot sa mga isinagawang diskusyon at konsultasyon ng pamunuan ng unyon sa pagbubuo noon ng plano.  At ngayon nga ay lalong ayaw niyang masangkot sa anumang pwedeng mangyaring hindi maganda, lalo’t alam niyang nasa panig ng maperang may-ari ng pabrika ang nagpapabalik-balik doon na sasakyan ng pulisya na nagpapatrulya.

Mabilis siyang tumalilis upang iwan ang mga ka-manggagawa sa piket-layn. Kinawayan niya ang nagdaraang traysikel. Magpapahatid siyang pabalik ng bahay. Uuwi na lang siya. Ipababatid niya sa asawang si Delia ang sitwasyon sa pinapasukang kompanya. (Itutuloy)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Rhea Tan Beautéderm Gillian Vicencio

Beautéderm founder Rhea Tan, nagbukas ng ice cream business 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INIANUNSIYO ng Beautéderm founder at president na si Ms. Rhea Tan ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *