Wednesday , March 27 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Unan gigising sa naghihilik

Unan gigising sa naghihilik

NAIMBENTO ang revolutionary pillow na yuyugyog sa naghihilik na natutulog nang hindi magigising ang kanyang katabi.

Ang Snore Activated Nudging Pillow ay may nakakabit na integrated microphone na sasagap sa sonic vibrations ng paghihilik.

Pagkaraan ay lolobo ang internal air bladder na magpapalaki sa unan ng tatlong pulgada – sapat para mayugyog ang natutulog na naghihilik.

Ang microphone’s sensitivity ay maaaring ma-adjust para sa light o heavy snoring, at maaaring patayin.

Gayunman, ang mahimbng na pagtulog ay may katumbas na presyo – ang unan ay maaaring mabili sa online mula sa retailer Hammacher Schlemmer sa halagang £92.

Sinabi ni Fred Berns, general manager ng Hammacher Schlemmer: “The Snore Activated Nudging Pillow encourages one to change sleeping positions immediately after the first snore.

“This will then reduce the chance of prolonged snoring waking your partner.”

(ORANGE QUIRKY NEWS)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top