Sunday , March 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Tulog na misis kinatay ni mister

Tulog na misis kinatay ni mister

PINAGHAHANAP ang isang mister matapos patayin sa saksak ang misis dahil sa selos sa Brgy. Alibunan, Calinog.

Tinutugis ng pulisya ang suspek na si Eduardo Lozada, 52, ng Sitio Dao, Brgy. Alubnan, matapos tumakas pagkaraan patayin sa saksak ang misis na si Narcisa Lozada, 52-anyos. Nabatid na natutulog ang biktima nang saksakin ng suspek.

Nabatid na muntik pang madamay ang dalawang anak nang tangkain awatin ang suspek.

Sa imbestigasyon, bago pa ang krimen ay madalas magtalo ang mag-asawa dahil sa pagseselos ng mister.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top