Monday , March 25 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Tserman nilikida ng tandem

Tserman nilikida ng tandem

CAMP OLIVAS, Pampanga – Hindi man lang nakaganti ng putok ang mga bodyguard ng bagong halal na barangay chairman ng Brgy. San Jose matapos pagbabarilin ang opisyal ng riding in tandem habang umoorder ng pananghalian ang biktima sa kantina ng poblasyon kamakalawa ng tanghali sa Brgy. Sto. Rosario, bayan ng Macabebe.

Base  sa ulat ni Chief Inspector John Clark, hepe ng Macabebe Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Raul Petrasanta, PRO-3 director, hindi na umabot nang buhay sa ospital si Barangay Chairman Danilo Manalang, 60, ng Brgy. San Jose dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa pulisya, pasado 12 p.m. habang umoorder ang biktima kasama ng mga kaibigan at mga bodyguard, nang biglang lapitan ng dalawang suspek at pinaputukan ang opisyal nang malapitan.

(LEONY AREVALO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top